Kaasar ka... di ako mapakali... pakisagot nga itong mga tanong na ito? kung nababasa mo lang ito... at kung alam mo lang na ikaw yung tinutukoy ko... nakakainis!!! naiinis ako sa sarili ko... paki sagot please...
1. bakit mo ako ginaganito?
2. bakit kita palaging iniisip?
3. bakit ako naghihintay palagi na itext mo?
4. ano bang mapapala ko sa iyo?
5. iniisip mo din ba ako kahit minsan?
6. bakit ganito ang nararamdaman ko syo? di nanaman tayo nagkikita?
7. di ko naman na kailangang sabihin syo na ganito ang nararamdaman ko diba?
8. oo alam kong meron ka na... pero sa tingin mo ba kayo na talaga?
9. gusto mo bang magkakilala pa tyo ng lubos?
10. kaibigan lang ba talaga ako para sa yo?
wala naman masama cguro diba? malay mo mag click... kaso nga meron ka na... next time na lang siguro din... ayaw kong makasakit ng ibang tao... naranasan ko na ang sobrang masaktan... masakit ang iwan at ipagpalit sa iba... kung kayo talaga... ok lang... mas nauna mo naman syang nakilala bago ako... di lang siguro ikaw para sa akin... but i'm so glad na nakilala talaga kita... naging isa sa aking mga KAIBIGAN... sana lang totoo din ang pakikipagkaibigan mo sa akin... kasi sinisigurado ko sayo... totoo ang pakikipagkaibigan ko sa iyo... kung maaari nga lang e maging higit pa doon... I want to know you more pa sana... pero sobrang iksi ng oras ng magkakilala tayo... pero di rin natin masasabi... sana lang din na totoo ang pinapakita mo sa akin... walang halong pagpapanggap o ano pa man... mas maganda kung sa umpisa pa lang e totoo ka na... mas katanggap tanggap diba? ayoko kasi na niloloko ako... or pretending to be someone ang drama... matatanggap ko kung ano ka... wala akong pinipili na maging kaibigan... kahit mahirap ka, simple or kung ano ka pa... basta lang totoo ka sa akin... ayoko ng plastic... at ayoko sa lahat ng abusado... pakitang tao lang... mabait sa akin dahil may nagawa akong pabor syo... or kakaibiganin ako dahil may mahihita ka sa akin... kung gnun man... tantanan mo na ako... dahil pag nalaman ko... wala... tuluyan na lang akong mawawala... :(
Wag ka nang magtanong kung alam mo naman ang sagot. Hindi nasususkat ng kakayahan sa pagtatanong ang kaalaman ng isang tao. Kundi sa kung paano nya panghahawakan ang mga sagot sa tanong na alam na nya simula't sapul... ---> oo na nga e! tse! :p
something to share: Magmatyag! Minsan akala mo kaibigan mo, yun pala para sa kanya, isa kang WALKING alkansya na itataktak kapag gipit sya ---> yoko ng gnyan... go away please... kala nyo lang madami akong pera... :p
Wag ka nang magtanong kung alam mo naman ang sagot. Hindi nasususkat ng kakayahan sa pagtatanong ang kaalaman ng isang tao. Kundi sa kung paano nya panghahawakan ang mga sagot sa tanong na alam na nya simula't sapul... ---> oo na nga e! tse! :p
something to share: Magmatyag! Minsan akala mo kaibigan mo, yun pala para sa kanya, isa kang WALKING alkansya na itataktak kapag gipit sya ---> yoko ng gnyan... go away please... kala nyo lang madami akong pera... :p
pasok again tomorrow... natapos nanaman ang long weekend...
nytie! xoxo, chec",)
0 comments:
Post a Comment