BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, April 25, 2010

Someday my prince will come ...☺

Anong petsa na? parang tagal ko ng walang special someone... may nammeet naman ako pero di makapasa sa standards ko... choosy ba talaga ako? di lang cguro kami magkasundo... sabi nila masyado daw mataas standards ko... feeling ko di naman mataas, yun lang talaga yung tama... well, share ko snyo kung ano yung mga ibang traits na like ko sa isang lalake... Oh well, if you think na qualified ka sa standards ko e bat di mo itry? ☺... parang advertisment na din ang dating nito hehe ;)...

1. syempre gusto yung fluent in English :)... ayaw ko ng pang engrish.com ang drama... ay pag ito wala kna... wala na deadz ka na for sure... dpat marunong magspelling ha? di yung aayain pa ako maglaro ng scrabble tapos forever na kaming naglalaro e ang nasasagot lang e car, cat, dog... 3 letter words lang kung baga... naku tantanan na me... friends nlang tyo ok? ;)
2. street smart: di ko sinabing taong kalye or tambay. Street smart para di naman mukhang tatanga tanga sa mga kung anu-anong nangyayari sa pali-paligid... kasi ako mdyo failed na dyan e haha... lagi ako wala sa sirkulasyon... :) at syempre dapat can carry a good conversation - ayoko naman ng non-sense no! duh! ;)
3. artistic: magalaling mag drawing, maganda boses = aaaw nakakakilig ;)
4. at least a hand taller: yoko naman nung mas maliit pa sa akin. maliit na nga ako tapos kukuha pa akong mas maliit sa akin. ano na lang yun unano? hehe... baaaad girl!!! :)
5. very nice teeth: love ko talaga yung maganda ang teeth. Sino ba naman ang gusto ng bungi tapos bad breath pa! eeeeewwwwww!... ayoko ng nag yoyosi...
6. hygenic please: ayaw ko ng mabaho syempre... naliligo naman... yoko naman ng may B.O. ! oh no! gsto ko talaga ng mabango... particular talaga ako sa amoy!!! wala kayong lusot kasi malakas ang pang amoy ko ;)
7. hanep ang japorms - haay super like ko talaga ang mga boys na ang ganda pumorma... ayaw ko ng trying hard... sabay sa uso di naman bagay! tse! pakamatay ka nlng hehe... yoko talaga yung mga hip-hop na parang ewan na parang mga sampayan kung manamit! ay nakakaloka!... ayaw ko din nung mga boys na nagsusuot ng carpenter boots! ano ba yun construction worker na aakyat ng bundok! ang jologs talaga hahaha... gusto ko yung mga tipong simple lang... chucktaylor the best ska nike shoes!!! ;)
8. gentleman of course + has manners syempre: treats me like a queen of course, but don't ya worry you'll be only my king... at dahil dyan we're the king and queen of hearts! wahaha yoko na corny na hehe ;)
9. ayaw ko ng jologs talaga, jerk, asshole, liar liar go to hell!: pag ganito ka pakamatay ka nlng... inom ka lason, maglaslas ka ot magbigti ka nlng hehe!!! baaad girl! ;)
10. jologs mag text: hate na hate ko talaga yung mga taong nagtetext ng ganito: hallows powhz, kxe gehnto poh!!! ah ewan minamigraine talga ako pag nakakabasa akong mga gnyang messages... utang na loob... wag na kyung gnun :(
11. very nice skin: di naman super kinis yaw ko naman din ng gnun kasi nakakailang naman kung mas makinis pa sya sa akin diba? pero di naman yung galisin no hehe... sino ba namang tao ang may gusto ng galis hehe... bad girl! oo na.. pero diba? diba? ayaw ko ng super tisoy! feeling ko bading yun hehe joke lang! yung tamang puti lang naman... as much as possible gusto kong moreno! haaay! hunk na hunk ang kulay! mala orlando bloom at derek ramsay... :)
12. honest, sensitive, religious: gusto ko talaga ng guy na nagsisimba palagi... mas ok nga kung member pa ng organization sa church e... ok na ok kung member pa ng choir para talagang maganda ang boses... (something to share: my mom's actually told me that she's praying that my soon to be bf or husband would be active nga sa church at yung dadalhin ako at aakayin ulit para mag simba... atin atin lang to ha? actually tagal ko na din kasing di nagsisimba e... :(

PLUS POGI POINTS nlng to... not required naman pero as much as possible ok sna kung pati to meron! para ok na ok ang buhay! ;)
- knows how to cook: grabe sobrang sarap ng feeling diba kung ipagluluto ko ng taong ♥ mo? kilig kilig! ♥♥♥ ☺
- nice voice: haay nasabi ko na to kanina... yun nga plus pogi points nlng to... di ko naman mapipili kung maganda boses nya o hindi e... ska di naman cguro hadlang na magustuhan ko sya kahit di maganda ang boses nya hehe ;)
- gets along with my family ang friends: ok na ok para masaya ang lahat! ayaw ko nman magkaroon ng bf ng kinaiinisan ng lahat! ayoko ng against all odds ang drama hehe ;)
- athletic: ok na ok kung basketball player diba? type ko talaga varsity e hehe... wala lang astig diba kung may bf kang athletic... kahit sepak takraw ok na din... sports din naman yun e hahaha ;)

haay nakakaloka wala na akong maisip pa... pero yan yung mga gusto at ayaw ko... ay sya nga pla... pkidagdag na din ang resume, nbi / police clearance at medical certificate.
- resume: pra magkaalaman na agad ng lahat lahat hahaha... kung san ka nagtapos, kung nakapag aral ka ba? kung san ka nagttrabaho, san ka nakatira, etc. etc. hehehe pasali na din ng family background :I OA na ba? wala naman kung maaari lang naman :)
- nbi/police clearance: bka naman kasi kriminal ka or something e... holdupper, snatcher, pusher, drug adik, rapist! oh no! diba? pra magkaalaman na agad... bka wanted ka pa e... gawin mo pa akong kasabwat! :)
- medical certificate: para to make sure na wala kang sakit... hehe lam mo na... mahal magkasakit... mahawahan mo pa ako ;)

o sya nakakaloka! hahaha sleep na at trabaho nanaman bukas! nytie!

-xoxo, chec',)

1 comments:

funny-l♥ve-chec said...

ay naku yung nakakalokang messages pala ang tawag ay JEJEMON! nakakaloka... parang si mojacko lang... MOMONJA hahaha! :)